Wednesday, February 25, 2009

Ang inunan o plasenta ay isang mabisang sangkap ng pampaganda at pampabata



Ang Mga Mananaliksik ay sina:
Chua, Katherine - kat1002_tweety@yahoo.com
Gonzaga, Earlene - epang_0811@yahoo.com
Misador, Jade - maria_jade01@yahoo.com
Te, Benson - benson08@yahoo.com
Yabut, Mharvic - kheydi_coolitz_01@yahoo.com


I. Panimula

A. Panukalang Pahayag

Ang inunan o plasenta ay isang mabisang sangkap na ginagamit sa pagpapaganda at pagpapabata ng mukha sa panahon ngayon.


B. Introduksyon/ Paglalahad ng Suliranin

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tungkol sa bias ng inunan o plasenta, ang lalagyan ng pagkain ng sanggol sa sinapupunan ng ina na kasama sa paglabas ng sanggol.


Suliranin:

a. Saan napupunta ang inunan kapag lumabas na ito kasama ng sanggol?
b. Naibebenta ba ito ng mga ospital?
c. Anu- ano ang mga nagiging gamit nito?
d. Sinu- sino ang mga gumagamit nito?

Kaligiran ng Paksa:

Ang mga mananaliksik ay nais magbahagi ng karunungan tungkol sa inunan ng sanggol, mabisang sangkap ng pampabata at pampaganda upang magamit nila ito sa tamang pagpili ng mga produkto.


Personal/ panlipunang udyok sa pagpili ng paksa:

Napili ng mga mananaliksik ang paksa dahil nais nilang malaman ang kahalagahan ng inunan sa ating panahon ngayon at nais nilang usisain ang mga detalye hinggil sa pagkuha at paggawa ng produktong galing dito. Higit sa lahat, alam nila na sila ay may matututunan dito hindi lamang tungkol sa paksa kundi pati na sa kung paano isasagawa ang pananaliksik na ito.


Pinili ng mga mananaliksik ang paksang plasenta upang malaman ng mamamayan ang nagagawa ng inunan ng sanggol sa pagpapaganda ng mukha at dahil sa impormasyong ito, maaaring makatuklas ang mga mamamayan ng panibagong produktong gawa sa inunan ng sanggol, gaya ng gamot para sa kalusugan at marami pang iba na makakatulong upang umunlad ang ekonomiya.


C. Rebyu/ Pag- aaral

Tuwirang may kinalaman sa paksa:

• “Ang Bayan” ay isang pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas. Isinasaad sa isang artikulo nitong “ Kalusugan para sa Lahat” na mayroong pag- aaral, na ang inunan ay maaaring magamit bilang pamahid na gamot ng ilang sakit sa balat at ito ay nalikha na.
• Ang “Nihon Sofuken”, isang kompanyang Hapon, ay nagsagawa rin ng pag- aaral ukol sa bias ng inunan at ngayon ay nagbebenta na nginuming may 1000 mg ng inunan o plasenta.
• Ilang mga Swiss at European scientists at biotechnologists ang nananaliksik tungkol sa pagpapaunlad ng oral supplement na ginagamitan ng inunan mula sa mga hayop.


Di- tuwirang may kinalaman sa paksa:

• Sa Amerika, may nauna nang pag- aaral tungkol sa paggamit ng bone marrow at cholesterol bilang sangkap sa mga produkto para sa buhok.


D. Layunin

Pangkalahatan
  • Layunin ng mga mananaliksik na magbigay ng kaalaman tungkol sa mga bagong resorces na maaaring gamiting pampaganda at pampabata.
Tiyak

  • Ang layunin ng mananaliksik ay magbigay ng impormasyon sa mga taong gumagamit at nais gumamit ng mga produktong pampaganda na ang pangunaghing sangkap ay ang plasenta o inunan.

  • Ang isa pang layunin ay ipaalam sa mga mamamayan na ang lahat ng bagay ay may kapasidad na magamit ulit sa ibang paraan, nang sa ganoon ay mabawasa ang basura sa kapaligiran.



E. Halaga

Ang kahalagahan ng pananaliksik ukol sa plasenta, ay upang malaman ng mga mananaliksik ang mga tanong na kung, saan at paano nagagamit ang plasenta para sa ibang paraan. Upang mapalawak ang kaalaman ng mga miyembro at ng mambabasa ng nasabing pananaliksik tungkol sa napiling paksa, maging malinaw sa bawat isa na may gamit parin ito kahit na galing ito sa sinapupunan ng ina. Makikita na maraming mga produkto ang may kasangkapan na placenta lalo na ang mga pampagandang produkto.

F. Konseptuwal na Balangkas



Ang mga mananaliksik ay pinag- ugnay ugnay ang mga bagay na may kinalaman sa isang babae. Ang mga bagay na pampaganda ay kadalasang inuugnay sa mga kababaihan. Ang mga babae ay tanging may kakayahang magbuntis at magkaroon ng anak. Habang ipinagbubuntis ng babae ang kanyang sanggol ay mayroon itong inunan. Ito ang nagsisilbing lalagyan ng pagkain ng mga sanggol habang sila ay nasa sinapupunan pa lamang. Kasabay ng panganganak ay ang paglabas din ng inunan. Ang inunan na ito ay maaari pang magamit muli bilang sangkap sa pagpapaganda.


G. Metodolohiya

Ang ginamit na paraan ng mga mananaliksik sa pagkalap ng datos ay sa pamamagitan ng survey, pakikipanayam, pagpunta sa silid aklatan, at paghanap sa internet.

Ginamitan ito ng paraan ng pagpunta sa mga library para makakuha ng mga datos tungkol sa inunan ng bata (placenta). Mahirap ang paghanap nito dahil hindi itong ordinaryong paksa na laging pinaguusapan. Sa paghahanap ay nakakita ang mananaliksik ng ilang libro na nagsasaad ng kaalaman tungkol dito. Isa pang paraan na ginamit ay ang paghanap ng datos sa internet. Sa paraang ito ay maraming nakuhang datos dahil malawak ang mga ideya na nakasulat dito, kahit ang iba ay mga opinion lang ng ibang tao, nakakatulong parin ito para sa pananaliksik tungkol sa paksang tinutukoy.

Pagkatapos makalap ang mga mahahalagang datos, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey sheets at pagkatapos ay ibinigay ito sa mga piling dermatologists sa Metro Manila na silang may sapat na kaalaman tungkol sa inunan ng bata (placenta). Kasabay nito ang pakikipanayam sa kanila sa nasabing kaalaman.


H. Saklaw/ Delimitasyon

Ang mga mananaliksik ay gagamit sarbey at pakikipanayam bilang mga instrumento sa pangangalap ng mga datos na kinakailangan para sa kanilang pananaliksik. Ang mga napiling sumagot ay sampung dermatologists sa Metro Manila na siyang may mga kaalaman tungkol sa inunan at pagpapaganda. Metro Manila ang napiling lugar upang hindi kumain ng malaking oras at hindi na kailanganin ng malaking pera para maisagawa ang pananaliksik.


I. Daloy ng Pag- aaral

Ang unang kabanata ng pananaliksik na ito ay tungkol sa paksa, ang inunan o placenta. Kasama dito ang mga suliranin na nakapaloob sa paksa pati ang halaga nito. Nakasaad din dito ang mga naunang pag- aaral na may kaugnayan sa paksa. Nakasaad din dito ang mga prosesong ginamit ng mga mananaliksik para makakalap ang mga impormasyon.



II. Katawan


A.


Ayon sa wikipedia, ang inunan o plasenta ay isang kakaibang organong matatagpuan sa karamihan ng mga babaeng mamalya habang panahon ng pagbubuntis. Ang pansamantalang organong ito ay mahalaga dahil ang ginagampanan nitong trabaho ay siyang naghihiwalay sa dugo ng nanay at ng sanggol. Ito ang nagiging daan upang mabigyan ng nutrisyon at oksiheno ang sanggol habang ito ay nasa sinapupunan. Nakakabit ang inunan sa supling sa pamamagitan ng ugat ng pusod. Pagkatapos ilabas ng ina ang sanggol ay sumusunod na iluwal ang inunan at madalas tawaging pinagpanganakan..
May dalawang bahagi ang inunan ng sanggol: ang suloy o supling at kabahagi naman ng ina ang ikalawang bahagi. Nakalagak ang inunan sa dingding ng bahay-bata (uterus) kung saan tumatanggap ito ng mga sustansiya at oksiheno mula sa dugo ng ina at naglalabas din ng dumi. Ang panghadlang ng inunan, nagsisilbing pangharang ang sumasala sa ilang mga sustansiyang hindi nasasala ng inunan kabilang ang mga kemikal na nakakasama sa paglaki ng supling.
Kung titignan mabuti ay mahalaga ang inunan sa mga supling na nasa sinapupunan ng ina ngunit paglabas nito ay hindi na napapakinabangan at tinuturing na basura. Salamat sa siyensiya dahil hindi kalaunan ay nagamit ito bilang sangkap ng pampaganda na nakakapagpabata ng mukha at kutis. Ngayon ay kaliwa’t kanan na ang mga produktong pampaganda gamit ito bilang sangkap.
Sa pagmodernisado ng teknolohiya ay nakaimbento ang tao ng isang produkto na nakakalunas sa pagtanda ng balat at mukha gamit ang plasenta bilang mahalagang sangkap. Sinasabi nila na ito ay mabisa dahil matatagpuan sa inunan o plasenta ang mahahalagang sangkap na may malaking posibilidad na makagamot sa katawan ng tao. Mayroon itong aktibong protina, enzymes, mineral at bitamina na nagiging dahilan upang gumana ng mabuti ang regeneration at stimulasyon ng dugo sa katawan ng tao. Ang inunan ng sanggol din ay may kakayahang itaas ang utilisasyon ng oksiheno sa mga organ at demis tissues na magpipigil sa iyong pagtanda at magpapabuti ng iyong kalusugan. Ang katungkulang ito ang nagiging rason kung bakit maituturing ang plasenta bilang epektibong “anti-aging product”.


B. Datos at Resulta


Ipinapakita dito na sa sampung sumagot sa survey ay 70% ang nakakaunawa sa gamit ng inunan o placenta at 30% lamang ang nakakaalam nito ngunit hindi nauunawaan ang gamit nito.



Ipinapakita dito na 90% ang nagsabing tinatapon kaagad ang inunan pagkalabas nito upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit o mga virus at 10% lamang ang hindi nakakaalam kung saan ito napupunta




Ipinapakita dito na 60% sa mga napili naming dermatologists ang hindi bumibili ng placenta at 40% lamang ang bumibili nito.



Ipinapakita dito na sa 40% na bumibili ng inunan o placenta ay may iba’t ibang presyo ito base sa gamit o produkto.






Ipinapakita dito na 75% sa mga bumibili ang gumagamit ng placenta cream. Ayon sa mga nabanggit kanina sa naunang chart, ang placenta cream ay ang mga nagkakahalaga ng P150, P200, at P300. 25% naman ang gumagamit ng placenta injectibles na siyang nagkakahalaga ng P5,000.



Ipinapakita dito na 34% ang nagsabing nakakapagpaputi ang mga produktong may sangkap na placenta at 33% naman ang nagsabing ito ay nakakapagpabata at nakakapagpaganda.




Ipinapakita dito na 50% ang nagsabing walang masamang epekto ang mga produktong may sangkap na inunan o placenta. Ang kalahati naman ay nagsabing maaari itong magkalat ng HIV kung ang inunan ay direktang ipapahid o gagamitin.
III. Pangwakas

A. Pagsusuri
Ayon sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik, lahat ng napiling sumagot ay may alam tungkol sa salitang plasenta ngunit 30% lamang ang nakakaintindi kung ano nga ba talaga ito. Ayon sa kanila, ang plasenta ay humihiwalay sa uterus at lumalabas pagkatapos iluwal ang sanggol at ito daw ang vascular membrane kung saan kumukuha ang sanggol ng sustansiya habang ito ay nasa sinapupunan ng ina. Base sa mga datos, 90% ang nagsabi na itanatapon ito pagkalabas sa sinapupunan ng ina dahil ito ay may halong sakit na puwedeng makuha kapag ginamit sa maling paraan.

40% sa mga sumagot ay bumibili ng plasenta sa mga halaga ng P150, P200, P300, P5000. 75% sa mga sumagot ng oo, ay ginagamit ang plasenta bilang plasenta injectibles, kung saan direkta itong tinuturok sa katawan na nagkakahalaga ng 5000 at 25% naman ay gumagamit ng plasenta cream. Sa pang anim na chart ay makikita na pantay ang nagsasabing ang plasenta ay nakakaputiputi,nakakapagpaganda at nakapagpabata ng mukha.Ngunit, 50% ang nagsasabing may masamang epekto ito sa ating katawan dahil kapag ginamit natin ito ng sariwa ay maaari itong magdulot ng sakit tulad ng HIV.


B. Konklusyon

Batay sa mga nakuhang impormasyon, masasabi ng mga mananaliksik na epektibo nga ang sangkap na plasenta sa mga produktong pampaganda. Hindi lamang ito nakakapagpaganda ng mukha o kutis kundi nakakaputi at nakakapagpabata din ito. Natuklasan din ng mga mananaliksik na dapat alam natin kung paano ang tamang paggamit nito upang sa ganoon ay hindi makasama sa ating kalusugan.


C. Rekomendasyon

Matapos makakalap ng impormasyon hinggil sa paksang inunan ng sanggol bilang sangkap ng pampaganda, inirerekomenda ng mga mananaliksik ang paggamit ng produktong may sangkap na plasenta sa mga taong umiiwas sa pagtanda ng balat at mukha dahil ito ay mabisa sa ganoong tungkulin. Dapat din wasto ang paggamit nito upang makaiwas sa mga “side-effects”, komplikasyon at sakit na makakasama sa katawan. Pinapayo din ng mga mananaliksik na huwag direktang gamitin ang inunan upang makaiwas sa sakit tulad ng HIV.

Sangunian:
http://www.alibaba.com/product-free/11329497/Placenta_Human_Injectables_Anti_aging.html

http://tl.wikipedia.org/wiki/Inunan

http://www.e2121.com/herb_db/viewherb.php3?viewid=582&setlang=

Moor, Keith. The Developing Human Clinically oriented Embryology, ( Phildelpia, London: WB Saunder Company)

Sandra, Alexander and William S. Coons. Core Concepts in Embryology, ( Phildelpia, New York: Lippincott-Raven, 1997)

Mga dapat Pasalamatan:
1. Ang mga deteminologist na nagbigay oras upang sagutan ang sarbey ng mga mananaliksik.
2. Ang mga magulang ng mga mananaliksik na nagbigay tulong kahit papaano sa kanilang pananaliksik.
3. Ang mga nasabing mga sanggunian na nagbigay tulong sa kanilang pananaliksik.
4. At higit sa lahat ang Panginoong Diyos na gumabay sa mga mananaliksik na matapos nang maayos ang kanilang gawain

No comments: